Chen Cheng Kung,
Sumindak sa mga kastila
ni: Xyra Ma. Cecilia De Leon
Maraming Pilipino ang sumusbok na patalsikin o takutin man lang ang mga kastila noong tayo'y kanilang sinakop. Ngunit hindi sapat ang tapang ng ating mga ninuno sa lakas at armas ng mga dayuhan.
Sa Kabutihang palad, may nakagawa nito. Hindi man Pilipino, nagawa niyang sinadakin ang mga kastila.
Si Koxinga ang kauna-unahang Asyanong nakaplano ng isang malaking sagupaan laban sa mga dayuhang mananakop. Kinunsiderang pirata ng mga taga-Kanluran dapapwar siya'y isang tunay na patriotikong Tsino na tumulong sa pagplaplano ng ekonomiya ng bansang Formosa na ngayo'y Taiwan. Nang siya'y naglunsad ng 10-buwan na paglusob sa mga olandes na nakabase sa Taiwan noong 1661- 1662, kasama niya ang mga magsasakang mandirigma.
Chen Cheng-Kung ang kanyang tunay na pangalan. Ipananganak siya sa isang mahirap na pamilya sa Fukien kaya't sa murang edad ay naglakabay patungong Macao upang makipagsapalaran at doo'y bininyagan s'ya sa pangalang Nicolas. Sa kanyang paglalakbay, napuntahan niya ang Maynila ngunit buamalik siyang muli sa bansang Hapon bilang isang mandaragat. Kinalauna'y nakapag-asawa siya ng miyembro ng mayamang angkan at naging kapitan ng barko na kanyang biyenan. Di lumao'y 3, 000 barko ang kanyang hawak at pianmaunuan.
Dahil sa kanyang kapangyarihang nakamit, itinalag siya ng emperador ng MIng bilang Kapitan Heneral ng hukbong pandagat ng Timog- Tsina. Noong maghari ang mga Manchus , kinalaban niya ang mga ito mula sa kanyang kampo sa Amoy. Lumipat siya sa Taiwan matapos niyang talunin ang mga Olandes sa isla. Mula roon, plinano niyang pamahalaan ang mga dagat ng Tsina at makuha sa mga Manchus ang bansa.
Noong 1962 , ipanadala niya si Padre Victorio Riccio, isang Italayanong Dominiko, sa Maynila na dalang sulat na naglalaman ng kailangang magbayad ng isla ng tribuna kung ayaw nilang matulad sa kinasapitan ng Olandes sa Taiwan. Sa panahong ito, sakop pa ng mga kastila ang Pilipinas. Noong ito'y nabatid ng mga Espanyol, agad silang naghanda upang protektahan ang kanyang kolonya. Kayat sa pulong noong Mayo 1662, nakapagdesisyong ang lahat ng mga kawal ng kastila ay magtipon sa Maynila. Humugot ng mga Pilipino sa iba't ibang probinsya upang pagtibayin ang pwersang militar sa Maynila . Ang gobernador-heneral noong panahong iyon ay humiling na matigil ang pagsakop sa pamamagitan ng dasal.
Ngunit hindi nakapunta si Koxinga sa Pilipinas. Ayon sa Kasaysayan, namatay si Koxinga noong ika-2 siglo ng Hulyo 1662. Datapwa't ika-29 ng Abril lamang ang balita sa Pilipinas nang nagpadala ng sugo ang tagapagmana ni Koxinga na si Krinei. Ang gusto lamang ng anak niya ay kapayapaan at hiniling na ibalik sa dati ang pag-aari ng tsino sa Cagayan at Pangasinan. Agad itong sinang-ayunan ni Gobernador Sibiano Manrique de Lara at dumating ang Hunyo, pinauwi na ang mga hinugot mula sa kani-kanilang probinsya.
# Katapusan
pls sign your comment ;-)
ReplyDeleteMa'am. Mejo hindi ko po naintindihan 'tong part na 'to.
ReplyDeleteNoong 1962 , ipanadala niya si Padre Victorio Riccio, isang Italayanong Dominiko, sa Maynila na dalang sulat na naglalaman ng kailangang magbayad ng isla ng tribuna kung ayaw nilang matulad sa kinasapitan ng Olandes sa Taiwan. Sa panahong ito, sakop pa ng mga kastila ang Pilipinas. Noong ito'y nabatid ng mga Espanyol, agad silang naghanda upang protektahan ang kanyang kolonya. Kayat sa pulong noong Mayo 1662, nakapagdesisyong ang lahat ng mga kawal ng kastila ay magtipon sa Maynila. Humugot ng mga Pilipino sa iba't ibang probinsya upang pagtibayin ang pwersang militar sa Maynila . Ang gobernador-heneral noong panahong iyon ay humiling na matigil ang pagsakop sa pamamagitan ng dasal.