Friday, June 25, 2010

Gawain para sa tekstong Chen Cheng Kung ( Ilagay ito sa buong papel)

Ang binasa mo ay isang halimbawa ng tekstong pasalaysay o narrative. Ito ay naglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang pangyayari o kaganapan sa isang tiyak na panahon. Kabilang sa tekstong narrative ang kasaysayan , maikling katha ng Talambuhay.

1. Suriin ang teksto ayon sa pagkakabalangkas ng pagkakabuo nito.


Paksa; ___________________________________________________________________
Pangunahing Ideya:_______________________________________________________
Unang Pangyayari:_________________________________________________________
Ikalawang Pangyayari:_____________________________________________________
Ikatlong Pangyayari:______________________________________________________
Kasukdulan:______________________________________
Kongklusyon:_____________________________________


2. Sa iyong palagay, anyu-ano ang katangian ng Talambuhay bilang isang tekstong narrative.


3. Ano ang tekstong narrative?

Chen Cheng Kung

Chen Cheng Kung,
Sumindak sa mga kastila
ni: Xyra Ma. Cecilia De Leon



Maraming Pilipino ang sumusbok na patalsikin o takutin man lang ang mga kastila noong tayo'y kanilang sinakop. Ngunit hindi sapat ang tapang ng ating mga ninuno sa lakas at armas ng mga dayuhan.

Sa Kabutihang palad, may nakagawa nito. Hindi man Pilipino, nagawa niyang sinadakin ang mga kastila.

Si Koxinga ang kauna-unahang Asyanong nakaplano ng isang malaking sagupaan laban sa mga dayuhang mananakop. Kinunsiderang pirata ng mga taga-Kanluran dapapwar siya'y isang tunay na patriotikong Tsino na tumulong sa pagplaplano ng ekonomiya ng bansang Formosa na ngayo'y Taiwan. Nang siya'y naglunsad ng 10-buwan na paglusob sa mga olandes na nakabase sa Taiwan noong 1661- 1662, kasama niya ang mga magsasakang mandirigma.

Chen Cheng-Kung ang kanyang tunay na pangalan. Ipananganak siya sa isang mahirap na pamilya sa Fukien kaya't sa murang edad ay naglakabay patungong Macao upang makipagsapalaran at doo'y bininyagan s'ya sa pangalang Nicolas. Sa kanyang paglalakbay, napuntahan niya ang Maynila ngunit buamalik siyang muli sa bansang Hapon bilang isang mandaragat. Kinalauna'y nakapag-asawa siya ng miyembro ng mayamang angkan at naging kapitan ng barko na kanyang biyenan. Di lumao'y 3, 000 barko ang kanyang hawak at pianmaunuan.

Dahil sa kanyang kapangyarihang nakamit, itinalag siya ng emperador ng MIng bilang Kapitan Heneral ng hukbong pandagat ng Timog- Tsina. Noong maghari ang mga Manchus , kinalaban niya ang mga ito mula sa kanyang kampo sa Amoy. Lumipat siya sa Taiwan matapos niyang talunin ang mga Olandes sa isla. Mula roon, plinano niyang pamahalaan ang mga dagat ng Tsina at makuha sa mga Manchus ang bansa.

Noong 1962 , ipanadala niya si Padre Victorio Riccio, isang Italayanong Dominiko, sa Maynila na dalang sulat na naglalaman ng kailangang magbayad ng isla ng tribuna kung ayaw nilang matulad sa kinasapitan ng Olandes sa Taiwan. Sa panahong ito, sakop pa ng mga kastila ang Pilipinas. Noong ito'y nabatid ng mga Espanyol, agad silang naghanda upang protektahan ang kanyang kolonya. Kayat sa pulong noong Mayo 1662, nakapagdesisyong ang lahat ng mga kawal ng kastila ay magtipon sa Maynila. Humugot ng mga Pilipino sa iba't ibang probinsya upang pagtibayin ang pwersang militar sa Maynila . Ang gobernador-heneral noong panahong iyon ay humiling na matigil ang pagsakop sa pamamagitan ng dasal.

Ngunit hindi nakapunta si Koxinga sa Pilipinas. Ayon sa Kasaysayan, namatay si Koxinga noong ika-2 siglo ng Hulyo 1662. Datapwa't ika-29 ng Abril lamang ang balita sa Pilipinas nang nagpadala ng sugo ang tagapagmana ni Koxinga na si Krinei. Ang gusto lamang ng anak niya ay kapayapaan at hiniling na ibalik sa dati ang pag-aari ng tsino sa Cagayan at Pangasinan. Agad itong sinang-ayunan ni Gobernador Sibiano Manrique de Lara at dumating ang Hunyo, pinauwi na ang mga hinugot mula sa kani-kanilang probinsya.

# Katapusan

Tuesday, June 15, 2010

Para sa aking mag-aaral sa ikalawang taon ng St. Paul College

Ang checlist at profile form ay ibibigay ko na lang sa klase.

Kaligiran at Kasaysayan ng Wikang Filipino

Ano ang Wika?
Ito ay masistemang balangkas na sinaslitang tunog na binibigyan ng mga simbolo at hinuhusgisan ng mga letra upang makabuo ng mga salita ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga pangungusap at makapagbigay ng kaisipan

"wika daluyan ng komunikasyon"
Nabuo ang wika bilang panagisag sa mga bagay at mga ideya na binibigyang ng kahulugan, kabuluhan at interpretasyon na pumapasok na mekanismo ng isipan ng tao.


Wikang Pambansa
pinagtibay ng pambansang pamahalaan at giangamit ito sa pamahalaan at ginagamit ito sa pamahalaan at pakikipag-ugnayan ng mamayang Filipino


Lingua Franca
tinuturing ng pangalawang wika

Binakular
katutubong wika

Idyolekto
tawag sa mga katangian sa pasalita ng tao

dayalekto

tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika

Salawikain Kaakibat ang mga Alituntunin

Mga Alituntunin Kaakibat ang Salawikaing Filipino

1. Hindi mo maiibigay ang anumang bagay na wala sa iyo
2. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat
3. Ang bawat isa ay bahagi ng kabuuan
4. Walang maling sagot kung kayang panindigan
5. Ang anumang iyong gagawin ay repleksyon ng iyong sarili.
6. May sisitema ang lahat
7. Ang pilak man ay isang kaban , ang gusto mo man ay isang tapayan: kung wala namankaibigan ay wala ring kabuluhan
8. Ang lata kapag maingay walang laman
9. Hiwalay ang propesyunal sa personal
10. Ang pagsunod sa panuto ay mahaga
11. Sumunod muna bago magreklamo
12. Walang pagwawaging di pakikibaka
13. Ang anuman ang iyong sabihin aay makapito mong isipin .

• Ibibigay rin ng mga mag-aaral ang kakailanganin sa asignatura.

1. Kwaderno ( Notebook)
2. Kwaderno Diksyunaryo
3. Kwadeno ng Maikling Pagsusulit
4. Profile Form
5. Kwaderno ng Repleksyon
6. Checklist
7. Kwaderno ng Takdang- Aralin

• Pagtalakay ng Komponent ng Asignatura

Partisipasyon sa Klase (Class Standing) .............................................50 %
Mahabang Pagsusulit........................................................................15%
Proyekto.........................................................................................15%
Markahang Pagsusulit.......................................................................20%
__________

Sunday, June 13, 2010

Kung hindi mo mahal ang sarili mo, wala kang karapatang magmahal ng iba

Tulad ng wika. Hindi mo maaring gamitin at mahalin ang ibang wika kung hindi mo kayang pahalagahan at mahalin ang sarili mong wika